Monday, June 7, 2010

Malabon Councilor Edward dela Cruz, Brother of Actress Angelika dela Cruz Dies in Vehicular Accident

Nagluluksa ang pamilya ng Kapuso actress na si Angelika dela Cruz dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid na lalake na si Edward dela Cruz sa isang vehicular accident this morning along North Luzon Expressway (NLEX).

Reports said that the 28-year-old newly-elected Malabon 2nd District Councilor was killed instantly matapos siyang masagasaan ng isang delivery truck around 5a.m. today.

Angelika appealed for privacy through a statement she sent to the press:

"Sa mga oras na ito ay labis po ang aming kalungkutan sa biglaang pagpanaw ng aking kapatid. Hindi pa po kami makapaniwala at matanggap ang pangyayari. Nagpapasalamat po ako sa mga taong nakikiramay at gustong malaman ang buong pangyayari. Pero sana po ay maintindihan niyo po ang aking pakiusap, gayundin ng buo kong pamilya lalo na sa mga kaibigan natin sa media na kung maaari, ibigay niyo po muna sa amin ang araw na ito. Maraming salamat po."

According sa initial report, sa NLEX sa may bandang San Simon, Pampanga naganap ang aksidente. Base sa kuwento, na-flat daw ang gulong na minamanehong Nissan Urvan ni Edward kaya pumarada siya upang palitan ang gulong. Nang pabalik na siya sa loob ng kanyang sasakyan ay may isang delivery truck daw na minamaneho ni Richard Colonel ang dumaan at nahagip si Edward.

Dead on arrival na raw si Edward nang dalhin sa pinakamalapit na hospital.

Edward, whose real name is Edward Pert Egger dela Cruz, is a younger brother of Angelika dela Cruz. Ipinanganak si Edward noong December 2, 1981.

Dati syang member ng now disbanded all-male singing group na Freshmen na nakilala noong early 2000.

Na-elect syang Councilor ng 2nd-district ng Malabon last May 10, 2010 elections.

No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena