Thursday, June 24, 2010

Star Records Chronicles 60 Years of Pinoy Soap Opera via Album Titled "60 Taon ng Musika at Soap Opera"

Bilang bahagi ng pagdiriwang sa 60 years of Pinoy Soap Opera ng ABS-CBN, ilalabas ng Star Records ang isang theme song compilation album na pinamagatang "60 Taon ng Musika at Soap Opera" kung saan nakapaloob ang 70 hit theme songs ng mga teleserye sa mga nagdaang taon.


Ayon kay Annabelle Regalado-Borja, Managing Director ng Star Records, maituturing niyang isang must-have ang nasabing album. "Through the featured songs in the compilation album, the history of Pinoy Soap Opera is summarized. It is always best to keep a tangible memory of the past and so I would really consider this as a must-have," paliwanag niya.

Ang five-disc collector's item na ito ay isinasalaysay sa pamamagitan ng 70 well-loved theme songs na hango sa iba't ibang soap opera ng ABS-CBN gaya ng mula noon magpahanggang ngayon kabilang ang mga bagong teleserye na "Kung Tayo’y Magkakalayo" (From the teleserye 'Kung Tayo'y Magkakalayo'), "Dahil Mahal Na Mahal Kita" (from ther teleserye 'Magkano Ang Iyong Dangal'), "Habang May Buhay" (from the teleserye 'Habang May buhay'), "Malayo Pa Ang Umaga" (from the teleserye 'Agua Bendita'), "Kung Ako Na Lang Sana" (from the teleserye 'Impostor'), "Lupa" (From the teleserye 'Rosalka'), "Maalaala Mo Kaya" (From the drama antology 'Maalaala Mo Kaya') at "Nandito Lang Ako" (from the teleserye 'Momay'.)

This year ay nagmamarka ng ika-60 na taon ng Pinoy Soap Opera. Isang selebrasyon ang hatid ng ABS-CBN sa pagaangat nito sa industriya ng Philippine entertainment sa loob ng anim na dekada, kasabay ang pagbisita sa kasaysayan na nagtulak sa malaking pagbabago ng panonood sa bansa sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan ng pag-gunita.

Alalahanin ang mga teleseryeng naging parte na ng inyong buhay at namnamin ang mga high-rating series ngayon sa pamamagitan ng handog na compilation album ng Star Records, ang "60 Taon ng Musika at Soap Opera" na mabibili na sa lahat ng records bars nationwide.

Para sa karagdagang impormasyon bisitahin lamang ang http://sixtyyearsalbum.multiply.com. Maaari ring i-download ang tracks sa www.starrecords.ph.

No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena