Monday, June 28, 2010

Martin Nievera and Gary Valenciano Team-up for "Twist and Shout"

Makakakanta pa kaya ang Pinoy habang tumatakbo siya sa treadmill, pinapaikot na parang elesi, o di kaya'y nilulublob sa malayelong tubig ang kanyang katawan?

Susubukan na ang kakayahan ng Pinoy pagdating sa biritan sa pinakakwela at pinaka-naiibang singing contest sa telebisyon simula ngayong Sabado, July 3, ang "Twist and Shout."


Tunghayan ang paborito niyong mga celebrities sa tangka nilang awitin ng maayos ang isang kanta habang sumasailalim sa matitinding distractions o mga panggulo sa kanilang performance kasama walang iba kung hindi ang nag-iisang Concert King na si Martin Nievera at tinaguriang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano bilang hosts.

Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng sariling programa sina Gary at Martin kaya naman excited na ang lahat sa magiging kulitan at chemistry nila sa telebisyon bilang kilala silang matalik na magkaibigan ng publiko.

"I've never been a game show host. This is my first time, but I have Martin. I know we’re both going to learn from each other, we’re ready for the challenges. Every episode iba iba ang mga contestants, so magiiba rin ang dating namin ni Martin sa camera," sabi ni Gary.

"Marami nang game shows na ginawa ang ABS-CBN. But the core element in Twist and Shout is not to try to be a game show and us hosts not to be like Edu Manzano, Cesar Montano, or Kris Aquino. We will just be Martin and Gary," dagdag ni Martin.

Maging ang hosts ay excited sa naiibang format ng show. Dalawang celebrity teams na may tatlong players ang magpapatalbugan sa tatlong rounds na sasabayan ng nakakaaliw at nakakatawang distractions. Kinakailangan lamang makanta ng player ang awit sa loob ng dalawang minuto para mapagtagumpayan ang round.

Bibigyan sila puntos ng mga huradong sina Aiza Seguerra, Jimmy Bondoc, at isang weekly guest judge, at ang team na may pinakamaraming puntos ang papasok sa final round na tinatawag na Turn Table.

Kinakailangan lamang tumagal ng nanalong celebrity team sa loob pa rin ng dalawang minuto sa ibabaw ng umiikot na platform habang kumakanta para makuha ang jackpot. Hanggat may nanatiling nakatayo rito ay hindi titigil ang timer at kapag umabot sila sa itinakdang oras ay mag-uuwi at maghahati-hati ang tatlong maswerteng studio audience mula sa kanilang panig ng P200,000.

Ang "Twist and Shout" ay franchise mula sa Zodiak Entertainment, isang kilalang production and distribution group na nag-ere ng naturang format sa mga bansang tulad ng France, India, at Indonesia. Naging mainit ang pagtanggap ng manonood sa programa at patuloy na ipinapalabas sa ibang bansa sa bago nitong titulo na "Sing If You Can…"



Wala nga ba talagang makakapigil sa Pinoy pagdating sa kantahan? Alamin na ang kasagutan sa pilot episode ng "Twist and Shout" simula ngayong Sabado, July 3, 8:45 PM. Mapapanood din ito tuwing Linggo sa parehong oras sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena