Tuesday, May 3, 2011

‘Willing Willie’ Suspended For 1-Month by MTRCB


The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) released its decision to suspend "Willing Willie" for a month beginning April 11, 2011, when TV5 imposed a self-regulatory suspension for the show who is facing advertisers pull-out and numerous legal battles in result of controversies that involves 6-year-old Jan-Jan Suan's dance ala-macho dancer.

Here is the decision of the board as released via their official website mtrcb.gov.ph:

SINUSPINDE NG MTRCB ANG “WILLING WILLIE” NGUNIT HINAYAAN ANG TV5 NA MAGPAPATUPAD NG MGA HAKBANG PARA SA SELF-REGULATION

Sinuspinde isang (1) buwan ng Hearing and Adjudication Committee (“Committee”) ng Movie and Television Review and Classification Board (“MTRCB”) ang programang ‘Willing Willie” bilang parusa sa paglabag nito sa Section 3(c) of P.D. 1986, ngunit hinayaang ibawas ang panahong naka-voluntary suspension ang programa, bilang hakbang ng self-regulation ng TV5.

Dagdag pa dito, pinatawan din ng Probation ang programa, o inilagay ang programa sa status na per-episode permit, hanggang makumbinse and MTRCB na tunay at seryoso ang pagpapatupad ng self-regulation measures na ipinangako ng TV5 at WilProductions.

Sa pagpapataw ng kaparusahan ito, binigyang-pansin ng MTRCB ang mga sumusunod na mga hakbang na tinaguriang “measures of self-regulation and perpetual improvement” ng TV5:

a. Voluntary suspension ng “Willing Willie” mula pa noong 11 Abril 2011 hanggang sa kasalukuyan.

b. Paglalagay ng mahigpit na Alituntuning gumagabay sa partisipasyon ng mga bata sa mga shows at events.

c. Pagtatalaga ng isang Internal Child Ombudsman na mangangasiwa at mangangalaga sa karapatan ng mga bata sa mga auditions, at titiyak na sumusunod sa mga itinakda ng batas para sa broadcasting..

d. Pag-utos ng Moratorium sa mga batang contestants, habang hindi pa napatitibay ang mga safeguards.

e. Pagpapatibay sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensiya ng gobyerno upang matiyak ang pangangalaga sa mga karapatan ng mga bata.

f. Pagbubuo ng “Rules of Ethics” para sa mga talents, production staff at crew, at iba pang manggagawa sa production.

g. Pagbubuo ng Standards Compliance Group, na binubuo ng (i) the Standards Advisory Board, at ng (ii) Compliance Unit.

h. Pakikipagtulungan sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at sa Philippine Association of National Advertisers (PANA) at iba pang stakeholders upang makapagtalaga ng makabuluhang alituntunin gagabay sa broadcast industry sa mga sitwasyon na may partisipasyon ang batasa mga talent, game at reality shows.

i. Pagtatalaga ng “Guidelines on the Treatment of Children as Viewers, Subjects, Talents or Participants,” sa pakikipagtulungan sa Philippine Children’s Television Foundation.

Bagamat kinikilala ng MTRCB na kapakipaki-pakinabang ang lahat ng ito, at maaaring gawing mabuting halibawa ng kung ano ang dapat tularan ng ibang networks, upang matiyak na maibibigay ang special protection for children, nanawagan ang MTRCB sa TV5 at sa lahat ng networks, na dalhin sa higit na mataas na antas, ang mga pangako ng pagbabago, na pinagyayaman ng patuloy na introspeksiyong-kolektibo ng buong industriya ng telebisyon.

Sa Desisyon, nagpaalala ang MTRCB: “Celebrities and TV personalities should exercise the highest degree of care and diligence, as they are the most seen, and their reach and influence is far greater than any other individual. It is the responsibility of the network and their talents to educate themselves regarding: gender sensitivity, children and women’s rights issues; the rights of indigenous peoples, persons with disabilities, senior citizens, and other marginalized sectors of the society. Let this Decision stand as a reminder to all networks, producers, directors, public figures, celebrities and hosts that: We are all advocates. And as advocates, we are duty-bound to fight for a TV industry that does not only make us ‘eat for a day,’ but an industry that inspires, transforms, and moves us, to live better lives.”

MARY GRACE POE LLAMANZARES
Chairperson

The committee approved the inclusion of the show’s voluntary suspension in the 1 month suspension because of TV5′s self-regulatory measures, voluntary suspension, formal apology, admission of responsibility, and that this is the first offense of “Willing Willie.”


No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena