Saturday, May 14, 2011

Sam Concepcion, Enrique Gil, Arron Villaflor and Other ‘Good Vibes’ Crew Super Fans Day


Fans and fans alike of ABS-CBN's hit Sunday afternoon teen show “Good Vibes” flocked at SM San Lazaro for the Super Fans Day of the show’s main cast.




Matagumpay ang ginanap na Super Fans’ Day ng showbiz talk show na “E-Live” para sa cast ng “Good Vibes” sa SM San Lazaro noong Huwebes, May 5, kung saan pinagkaguluhan ang cast ng programa na pinangungunahan nina Sam Concepcion, Enrique Gil, at Arron Villaflor.

Patunay lang ito sa patuloy na pamamayagpag ng “Good Vibes” bilang numero unong youth-oriented show sa bansa, habang ang cast nito ang pinaka-promising sa lahat ng mga young stars ngayon.

Hindi magkamayaw ang fans ng lumabas para sa song at dance numbers ang grupo na kabilang din sina James Reid, Devon Seron, Ivan Dorschner, Linn Oeymo, Coleen Garcia, Kazel Kinouchi, at Chikara Nawa.

Pero higit na tinilian ang panayam sa mga bata, lalo na nang tinanong ng “E-Live” host na si Nikki Gil kung nagkaka-developan na sina Sam at Coleen Garcia, na gumaganap na ex-girlfriend niya sa programa.

Ani Sam, hindi pa raw siya sinasagot ng dalaga…sa kanilang programa. Naghiyawan pa ang mga tao nang ibuking ni Nikki na mag-ex pala si Enrique at Coleen. Pero giit ni Enrique, hindi naman daw ito nakakaapekto sa samahan nila ni Sam.

Maikling sagot naman ni Coleen kung naiilang ba siyang makasama ang isang kasing charming ni Sam at ang kaniyang dating kasintahan, “good vibes lang!”

Good vibes din ang episode ngayong Linggo, May 15, dahil bawat miyembro ng kanilang dance group ay magkakaroon ng “time to shine” sa kanilang hinahandang dance performance.

Kilig naman ang inaasahan sa pagpayag ni Ara (Yen Santos) na maging tulay nina Marc (Sam) at Monique (Coleen). Dagdag pa riyan ang pag-imbita ni Geleen (Linn) kay Gab (Ivan) na tumulong sa musikang gagamitin ng Sinagdiwa.

At sino naman kaya ang bubuo sa bagong loveteam na uusbong sa “Good Vibes” crew?

Abangan iyan sa programang kinapupulutan ng aral, kilig, at aliw ng kabataan, ang “Good Vibes,” tuwing Linggo, pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN.


No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena