Sunday, August 24, 2008

Richard, KC and Annabelle Guested on Sharon to Promote "For The First Time"; Annabelle Rama and Sharon Cuneta Both Disappointed with GMA-7

The supposed-to-be promo guesting of Richard Gutierrez and KC Concepcion on Sharon ended-up with two concern mothers vocally expressing their disappointment on GMa-7's said to be "intentional" decision in staging a free post-birthday concert of Marian Rivera and Dingdong Dantes on the same date of Richard-KC's movie showing.

See video with excerpts below:



Sharon: Ano feeling mo naku-compare ka sa daddy [Eddie Gutierrez] mo who was also a matinee idol?

Richard: Well, for me, talagang it's an honor to be even compared to him. Kasi yung dad ko, napakasipag nun at marami siyang pinagdaanan para ma-achieve niya yung mga nagawa niya. And he paved the way for me. Talagang to be even compared to him, talagang it's such an honor for me.

Sharon: Malaki ba ang naidulot ng pagtira mo sa States? How old were you? From what age to what age did you live in America?

Richard: From I think 11 years old to 15.

Sharon: When you look back, ano ang natutunan mo from America or nakabuti sa pagkatao mo?

Richard: It was such a great experience for me and Raymond [Gutierrez, his twin brother] to live in the States. Kasi nung time na ‘yon, talagang gusto rin naming mamuhay nang normal, na walang masyadong nakakakilala sa amin. Yun yung hinanap namin—to live a normal life and dun kami natutong maging independent and to watch out for each other. Kasi andami naming schools na nilipatan. ‘Pag lilipat kami ng bahay, lilipat din kami ng school. So marami kaming nakikilalang ibang mga bata, ganyan. Natuto kami ni Raymond to really stick with each other. Parang siya talaga yung naging best friend ko dun sa States.

Sharon: (To KC) Anak, totoo bang bago mo makilala si Richard nagkakamali ka between him and Raymond? Natatawag mo si Raymond na Richard o binobola ka nila?

KC: Yung totoo diyan, hindi ko alam na kambal sila. Parang nakalimutan ko. Kasi I met Chard, nakilala ko siya ulit... Siguro nag-meet na kami nung bata kami, di ba, kasi family friend, ganun. Pero more than anything, nag-meet kami [ni Richard] nung high school ako, and na-meet ko si Raymond separately. So, hindi ko naalala na kambal pala sila.

Sharon: Ano ngayon ang nakaka-differentiate sa kanilang dalawa ‘pag nakikita mo na hindi ka na nalilito, before you started doing the movie? Kasi I'm sure now, hindi ka nagkakamali, kilala mo na si Mond, kilala mo na si Richard.

KC: Yung personalities nila siguro iba. Si Mond, parang more ma-chika; si Chard is more private, more on parang tahimik lang, ganun. Si Mond yung talagang kuwento nang kuwento. Pero si Chard, once na makilala mo, ang dami ring ikukuwento. Ang dami ring gustong sabihin, biglang magpapatawa, ganun.

Sharon: At anu-ano naman ang sinasabi niya sa ‘yo?

Sharon: "E, bakit, marami raw? Bakit hindi tayo magtanong? Nagtatanong lang naman alang-alang sa fans n'yo? Sige, anu-ano?

KC & Richard: Chill!

Sharon: Chill, ibig sabihin relax ka lang, huwag kang masyadong nai-stress.

Sharon: Sinong pumili na maging leading man mo si Richard or pinili mo ba si Kace? How did this happen?

Sharon: Parang napag-usapan lang natin...

KC: Oo, bigla na lang namin napag-usapan...

Richard: Over dinner...

Sharon: (Joking) Sa'n kayo nag-usap na dinner? Hindi, nagtataka ako, di ba?

Richard: So, yun, napag-usapan namin. Tinanong ko siya kung gusto ba niyang...why don't she join the movies, kung bakit ayaw niyang gumawa ng pelikula. Sabi niya, pinag-iisipan daw niya na gagawa siya ng pelikula...

KC: Nasa college pa kasi ako noon.

Richard: So ‘yon, parang napag-usapan lang namin, ‘Why don't we do one movie,' parang ganun. Pero ang sabi niya, ‘pag gagawa daw siya, kailangan sa ABS, sa Star Cinema. Sabi ko, ‘Paano ‘yan nasa GMA Films ako?' Pero we had a vision, nagkaroon kami ng dream na, ‘Paano kung makagawa tayo ng isang pelikula na mag-a-agree yung parehong networks at magkakaisa sila?'

Sharon: Kayo talaga ang nag-usap nun?

Richard: Opo.

Richard: Ang tatalino ng mga ito! ‘Tsaka napaka-makapamilya ng mga puso.



Sharon: Ang pinakaabangan... Siyempre po, mahal ko ang anak ko. Gustung-gusto ko po naman ‘tong batang ‘to, napakadisente ni Richard. Pero kung bihira ko pong makasama si Richard, ito po kung puwede lang i-request ko, every week kasama ko siya. Ang minamahal ko, Tita Annabelle Rama!

Sharon: How does it feel to have here Richard and KC together?

Annabelle: Oo nga, e. Sana tuluy-tiloy na Shawie, ano? (Tumawa sila pareho ni Sharon.)

Sharon: Tita, basta ang concern ko, tayong dalawa, basta okay!

Annabelle: Napakasuwerte mo, maganda na anak mo, mabait pa, masipag magtrabaho, at bright. ‘Yan ang babaeng hinahanap ko para sa anak ko, e. (Tawanan ulit sila.)

Sharon: Tita, mahal na mahal ko man kayo ni Daddy [Eddie Gutierrez], sinisipat ko, sinisipat ko. Kasi maraming ano, e... Siyempre ‘pag ganyan kaguwapo, ilang show na ang napagbidahan. Ang laking pera na ang inakyat mo sa inyo, sa istasyon n'yo, dyusko!

Annabelle: Hindi yata napapansin sa kanila na marami nang inakyat na pera si Richard sa kaban ng GMA...

Sharon: Bakit, Tita? Okay lang, nasa ABS tayo. (Tumawa lang si Annabelle). Hindi, ako naman, parang ano lang... Kasi may mga Kapamilya ako doon, dun ako [nagsimula] rin, nung bata ako. Kaya parang nagulat ako, medyo hurt ako... Alam n'yo na yung sinasabi ko.

Annabelle: Ako rin, Shawie. Siyempre naman...

Sharon: Para kasing mahal...

Annabelle: Ako'y nagpapasalamat dito sa ABS kasi nakita ko yung support na ibinigay kay Richard. Bilib talaga ako. Hindi pala totoo yung ano... (palakpakan ang audience) Hindi pala totoo yung tsismis na sinasabi sa akin na, ‘Huwag mong papuntahin si Richard sa kabila, huwag mong pagpu-promote doon, kasi babastusin lang.' Hindi siya binastos. At natutuwa ako sa ginawa nila sa anak ko.

Sharon: ‘Tsaka kapag Star Cinema, Tita, makikita n'yo quality talaga yung pelikula, grabe. Mapag-alaga talaga sa arista sino man ‘yon.

Annabelle: Nagpapasalamat ako talaga.

KC: Nagpapasalamat din po kami ni Chard sa Star and sa GMA Films...

Sharon: Of course...

KC: Kung wala rin yung GMA Films, kung wala rin yung approval nila, hindi makakapunta si Richard dito [sa ABS-CBN].

Sharon: Pero tandaan mo, you're also going to do a movie with GMA bilang ganti.

Annabelle: Merong kapalit.

KC: For ABS-CBN also, papasalamat ako na pinahiram ako sa GMA Films. So...

Sharon: You started a good thing, actually, the two of you. But you can only really do as much as you can, di ba? Ako din nag-ano, Tita, hindi ko alam kung sino ang nag-arrange nun [birthday concert of Dingdong and Marian] dahil marami pa namang kaibigan natin doon [GMA-7]. Pero hindi ko alam kung sino mismo. Parang sinabayan yata ng libreng show?

Annabelle: Parang kalokohan yata ‘yon, Shawie, e. Ayoko nang magsalita kasi...

Sharon: Hindi, ako, let's put it this way. Hindi naman siguro kaila sa fans ninyo... Kasi si Dingdong Dantes, mahal na mahal ko yung batang ‘yan. We've done a movie [Magkapatid], I call him my baby brother. Lahat naman tayo sumusunod lang sa inuutos sa atin, di ba?

Annabelle: Siyrempre naman.

Sharon: Yes, for that matter, even si Marian who's very beautiful. Walang ano diyan sa mga bata, we're all employees sa station so we follow. Pero nagulat lang ako, parang bakit halatang-halata naman, sabi mo nga Tita, Wednesday?

Annabelle: Sinadya at saka hindi pinag-iisipan. (Tawanan ulit.)

Sharon: Kasi sabihin natin isinasabay sa opening day ng For The First Time, na pagka kumita naman ‘to...

KC: World peace, world peace!

Sharon: Kaya ba kayo nagpuntang Mars?

KC: Oo, good vibes dun, e!

Sharon: Pero, Tita, parang after this movie naman, since they're going to do a movie sa kabila [GMA Films]... I'm sure aalagaan din nila at gugustuhin din nilang mag-hit ito dahil makakatulong din naman sa susunod na project. So, hindi ko talaga alam kung sino ang nagpasimuno.

Annabelle: At saka hindi naman tayo nag-ano, e. Ibig sabihin, si Richard, hindi naman talaga siya gumawa sa sarili niya lang desisyon. Hiniram siya, pinahiram naman siya. Nag-meeting-meeting for one month. Akala ko, okay na. Pero ngayon, naiiba na ang hangin na naman kaya...

Sharon: Alamin muna natin, Tita, kung sino kaya [ang pasimuno]. Kasi I'm sure marami din namang nagmamahal kay Richard doon [GMA-7]. Hindi naman puwedeng ganun lang.

Annabelle: Siyempre naman.

Sharon: Pero ‘eto ang gusto kong ipaalam sa inyo. Dito ngayon sa ABS-CBN at sa Star Cinema, marami ang nagmamahal na kay Richard.

Annabelle: Siyempre, siyempre...

Sharon: So kahit saan ka, anak [Richard], may supporters ka.

Annabelle: Naramdaman ko talaga at nakikita ko talaga ang support ng Star Cinema sa kanya kaya natutuwa talaga ako at nagpapasalamat ako sa lahat ng bumubuo ng Star Cinema... Si Roxy [Liquigan], si Malou Santos, lahat sila, talagang masisipag din pala sila, nakikita ako.

Sharon: And sana, Tita, hindi ito ang huli. Di ba, Richard? Sana this is not the last time.

Richard: Sana, sana...

Sharon: Marami pa namang kumbinasyon puwede or other men na kasama mo. ‘Eto lang, Tita, dito sa ABS-CBN, ang proud na proud ako dahil parang tatay ko na ang namamahala sa Star Magic [Johnny Manahan], ganyan, pagka-Kapamilya, kunyari si Lloydie [John Lloyd] muna, susunod si PJ, si Piolo [Pascual] muna, nagbibigayan. Hindi nila pinagtatapat o pinag-aaway ang mga alaga nila.

Annabelle: Nagulat nga ako, e, dun sa kabila pinag-aaway nila yung dalawang artista! Ano yun?

Sharon: Dahil siyempre bilang mga ina, Tita, sabi ko nga sa inyo sa text ko, di ba, Tita? Parang bilang nanay, parang times ten yung sama ng loob pagka nadedehado yung anak ko. E, dyusko naman, unang pelikula ng batang ‘to, hindi na natutulog, suportahan naman natin!

Annabelle: Kaya nakikiusap ako sa lahat ng fans ni Richard, fans ng mga Gutierrez, yung lahat ng nanood ng Monster Mom ko, suportahan n'yo naman ang pelikula ni KC at Richard.

Sharon: Oo naman, at higit pa do'n, di ba?

Annabelle: Mga fans ni Shawie at ni Gabby, manood naman kayo!

Sharon: Tita, kanino ka ba talaga? Sino pa ba ang gusto mo?

Annabelle: Parang nakakalimutan mo, idol ko kayong daalwa ni Gabby, ‘no?

Annabelle: Idol ko rin nung kaming dalawa!

KC: Kaya nga ako nandito, Tita, e!

Sharon: Napakaganda mo, at least may nagawang tama tayo...

Sharon: Tita, kapag may nakakarating po sa inyong negatibo na intriga, balita tungkol po kay Richard, paano po kayo mag-react? Hindi lamang bilang ina kundi bilang manager? Kasi napakahigpit ng labanan ngayon...

Annabelle: Ngayon nga, Shawie, ayokong magsalita dahil pinipigilan ko ang aking high blood pressure ko, ‘no? Talagang on the warpath ako ngayon, Shawie...

Sharon: ‘Pag anak talaga.

Annabelle: Oo, kaya ayoko nang magsalita. Kasi 'pag ako nagsalita, sumisikat, e. Kaya ayoko nang magsalita. Lahat ng inaaway ko, sumisikat.

Sharon: Ako, matiisin ako sa lahat. Pero...

Annabelle: Ayoko nang magpagamit, ‘Day, ‘no, ayokong magpapagamit! Kaya ayoko nang mag-react sa lahat ng nangyayari. Kaya ako nagdadasal araw-araw sa Sto. Niño na lahat ng gustong bumagsak kay Richard, huwag mag-succeed! Sana sila ang bumagsak, at sila na ang magpakamatay, sila na ang magka-karma! (Sabay tawa niya)



Annabelle: Ako naman, Sharon, ‘pag anak ko na ang involved, talagang nagwawala ako. Parang lahat ng sungay ko lumalabas, e.

Sharon: Paano kayo magwala, Tita?

Annabelle: Ibang klase... Sumusugod, nagmumura, at saka hindi ko tinitigilan talaga. Ngayon text, text nang text, walang tigil talaga ‘yan. ‘Tapos kapag hindi sumasagot, tatawag ako sa telepono, nagmumura pa ako. Ganyan ako, e.

Annabelle: Ako naman magtatanong sa ‘yo, Shawie, ha. Ano ang pakiramdam mo na pumasok ngayon si KC sa showbiz na alam mo naman ang pinagdaanan ng ibang artista ngayon, di ba?

Sharon: Kaya nga po, Tita, hinintay ko na mag-graduate muna siya. ‘Tsaka talagang I think tama yung desisyon namin na papag-aralin siya sa labas ng bansa. Kasi, katulad mo [Richard] ng nasa States ka, naka-experience siya nung...dito yung may yaya, may bodyguard, kumpleto. Parang kayo, di ba? Pero pagdating dun [Paris], walang problema sa amin yung adjustment, na walang period na parang, ‘Kawawa ako!' Wala, we just go ahead and we just do what we had to do. Tuwang-uwa ako nakita na ganun siya. So, naglaba, namalantsa, siya naglilinis. Pagdating ko, ‘Wow, ang ayos-ayos ng little house niya!'

Annabelle: Ano ang kinakatakutan mo para kay KC, lalo na sa showbiz na siya? Mabuntis?

Sharon: Si Kace... Tita, sa totoo lang pagdating ng araw, baka ako pa mamilit diyan, ‘Anak, pengeng apo!' (Laughs)

Annabelle: Kay Richard na lang. ‘day! Kay Richard na lang!

KC: Tita, walang ganyanan, Tita! I resign!

Annabelle: Okay na okay sa akin, Shawie. Ang ganda ng apo natin, ‘day!

Sharon: Ay, oo... Baka sana kambal. Kung sakali kambal, tig-isa naman tayo.

Annabelle: Kambal talaga ‘yan, ‘day!

Sharon: Kamukha nila nung maliit pa sila!

Annabelle: Ano'ng mga leksiyon ang mga natutunan mo nung araw na itinuro mo kay KC ngayon?

Sharon: (To KC) Ikaw, anak, ano ang mga itinuro ko sa ‘yo?

KC: Tita, yung huwag magpakatanga!

Annabelle: Tama yun, tama yun.

Sharon: Hindi laging puso. ‘Tapos ngayon, ano siya, parang she makes more effort now na iparamdam sa akin na love na love niya ako. Pero ano siya, kahit yung age niyang ‘yan, ganyan na kung magtrabaho. Pero after work, yung tipong ako gusto ko nang matulog o uwian siya. Pero she's single, she has no children, no boyfriend so...

Annabelle: Bagay nga talaga silang dalawa ni Richard, kasi si Chard hardworking. Mabait na anak, masunurin, at hindi tsismoso ha!

Sharon: Ay, hindi talaga!

Annabelle: ‘Pag may girlfriend, hindi ko talaga alam kung sino. (To Richard) Kayo na ba ni KC, anak? Kayo na ba ni KC?

Richard: Panoorin n'yo yung pelikula namin ha?

Annabelle: Hindi palakuwento. Ako, hindi ko talaga alam kung sino girlfriend niya. Tinatanong ko, ‘Girlfriend mo ba si KC, Chard?' Wala siyang narinig. Ayaw niyang mag-yes or no.

Sharon: (To KC) Anak, boyfriend mo ba si Richard?

KC just smiled back to Sharon.

Sharon: Wala rin, hindi tayo nag-succeed.

Annabelle, again, brought up her sentiments with GMA-7

Annabelle: Ano ang reaksiyon mo sa GMA, Shawie?

Sharon: Sa ano po, yung nangyari? To be fair and honest, masama ang loob ko, nagalit ako nung unang dinig. But I always know the truth is somewhere in the middle, e. I learned that from Kiko [Pangilinan, her husband], e. So parang, siguro meron talagang nag-isip na manadya kaya yung masakit.

Annabelle: Hindi naman tayo natakot. Ang akin lang, kung ang mga kasabay natin ay mga James Bond, okay, patawarin na sila, di ba? Katulad ng Monster Mom ko, Dark...ano ba yung mga pelikulang yun...Mamma Mia...

Sharon: Yung Mamma Mia tinalo ng My Monster Mom!

Annabelle: Hindi ako nagagalit. Pero ngayon kasi, parang imposible namang Wednesday, Araneta, Wednesday? ‘Tapos ano ba yun, the same date, e, tapos na yung birthday nung dalawa [Dingdong and Marian]. Bakit hindi na lang sa 12, 13, 14, 15, 16? Bakit kailangang 27?

Sharon: Ako rin. Seriously, na-affect ako nun. Kasi feeling ko, ‘Ha, akala ko support each other.' Also ano ‘yan, e, ang next project nila dun din. ‘Tsaka anak ko ito.

Annabelle: ‘Tsaka ang next movie nila, dun din naman sa kanila din, sa GMA.

Sharon: Lahat, tulungan lang dapat.

Annabelle: Magtulungan na lang, di ba?

No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena