Thursday, June 26, 2008

RICHARD GOMEZ Fires Back at Director CATHY GARCIA-MOLINA

Agad nakarating kay Richard Gomez ang paha­yag ni director Cathy Garcia-Molina sa presscon ng A Very Special Love na ayaw na niyang maka-trabaho ang actor, dahil sobra siyang nasaktan sa trato nito sa kanya noong Assistant Director pa lang siya, nang sigawan sa harap ng maraming tao na ikinapahiya niya.

Heto ang sagot ni Richard “Ewan ko d’yan. Classmate ko sa UP ‘yan, eh. Eh ‘yun talaga ang karakter ko, di ba? But that has nothing to do with my being an actor or a director.“Tita Chato [Charito Solis] and Maricel [Soriano] are like that, and so are [Ishmael] Bernal and [Joel] Lamangan. If you can’t take these kind of people, then go look for another job. ‘Di ba?”

Tatlong beses naka-trabaho ni direk Cathy si Richard noong AD pa siya at ito’y sa mga pelikulang Maalaala Mo Kaya: The Movie, Hanggang Kailan Kita Mamahalin, at Minsan, Minahal Kita ng Star Cinema.

Takot si direk na baka akusahan siyang ginagamit ang isyu sa kanila ni Richard para pag-usapan ang John Lloyd-Sarah Geronimo movie, pero sinagot lang daw niya ang tanong. Saka, siya ang tipo ng tao na hindi nagsisinungaling at ‘di binabawi ang nasabi na. Feeling niya, hindi na rin siya gugustuhing makatrabaho ng actor.


Source: Nitz Miralles

No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena