Tuesday, June 24, 2008

"Bigyan Naman Natin Yung Iba ng Chance." - ANGEL LOCSIN on FHM 100 Sexiest Controversy with MARIAN RIVERA

Nagbigay na rin ng comment si Angel Locsin tungkol sa intriga ng pagkakaungos sa kanya ni Marian Rivera para number one slot ng Philippines' 100 Sexiest ng FHM Philippines Magazine.

"Ewan ko po. Hindi naman po natin kontrolado, ‘di ba? Kung sino ang mananalo, kung sino ang iboboto ng mga tao? Basta ako, masaya ako. Parang ano yun, e, parang kailangan ba kunin ko lahat?

Nagawa ko na ‘yan
[being hailed as the Philippines' sexiest] even before pa. Parang, bigyan naman natin yung iba ng chance, ‘di ba?"

Hindi ba niya inaambisyong maging number one ulit sa FHM?

"Hindi na. Para sa akin mas importante yung mga taong naniniwala sa akin. Mas may importansya sa akin."

Pero okey lang ba sa kanya kung si Marian ang hiranging number one sa sexiest list ng FHM Philippines?

"Okay lang. Kaya natawa lang ako kasi feeling ko wala namang isyu, at sa kanya, hindi rin naman isyu yun. Parang nakakatuwa lang na yung mga fans ang talagang ano sa aming dalawa. Pero salamat po sa lahat ng bumoto," pagtatapos ni Angel.

No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena