Tuesday, June 24, 2008

"Ke Number 1 or 99, Masaya Na Ako." - MARIAN RIVERA on FHM 100 Sexiest Controversy With ANGEL LOCSIN

Painit na nang painit ang issue tungkol sa akusasyon ng ilang mga tagahanga ni Angel Locsin na may anomalyang naganap kaugnay ng botohan para sa FHM 100 Sexiest Women of 2008.

Kinukuwestiyon ng fans ni Angel kung bakit biglang bumaba sa No. 4 ang kanilang idol samantalang ang young actress daw ang nasa No. 1 noon. Ayon pa sa kanila, mina-manipulate diumano ng FHM ang resulta ng botohan para paboran ang iba pang mga kandidato, partikular na si Marian Rivera. Si Marian na raw kasi ang nangunguna sa pagsasara ng botohan

"Sa totoo lang, surprised kami nung una pa lang na sinabi na nasa Top 10, and then Top 5, and then Top 3. Kasi hindi pa nga siya [Marian] nagku-cover. She has never appeared on FHM. In fairness, FHM has invited us ever since nasa TAPE Inc. pa lang si Marian. Lagi naming sinasabi...we never said never.

"Kasi yung first time niyang lumabas sa FHM, yung mga 100 Sexiest, I think No. 38 or something. And then, last year, she was No. 24 yata... So ngayon, biglang nag-Top 10. Nabigla kami kasi alam namin, ang madaming boto lagi, yung nagku-cover lang. So yun pa lang, pleasantly surprised na kami.

"Nung sinasabi nilang, ‘Uy, vying siya for the top position,' ang sinasabi lang naman namin is sana mag-No. 1. Pero we doubt, kasi never pa nga siyang nagku-cover.

"Pero ngayon ngang may ganyang lumalabas, siyempre hindi na namin masyadong... We cannot react, e. Kasi unang-una, FHM has not called me. Hindi naman nila sinabi sa akin na, ‘Oy, Popoy, No.1 si Marian.' Wala namang ganun, di ba? Kung totoo ngang No. 1 siya, at least man lang sana, may nagsabi sa amin
," lahad ng talent manager ni Marian na si Popoy Caritativo.

Ayon naman kay Marian, "Alam mo, ke number one o 99, masaya na ako na ‘andami palang bumuboto.' Knowing lang na hindi pa ako nag-a-appear ‘tapos ‘andami nang bumuboto, I'm very happy about it already. Yung top position, bonus na lang kung makuha ko man."

No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena