Monday, June 30, 2008

MARIAN RIVERA Willing to Pose for FHM But...

In-announce na nga officially ng mismong editor-in-chief ng FHM Philippines na si Allan Madrilejos ang pagkakaboto kay Marian Rivera bilang Philippines' Finest sa 100 Sexiest Women in The World 2008.

Ayon kay Allan, "Para siya [Marian] na ngayon ang sexiest Filipina sa bansa."

Record-breaking ang pagiging No. 1 ni Marian dahil siya pa lang ang kauna-unahang non-cover girl na naging Philippines' Finest ng FHM.

Nagbigay naman ng kanyang pahayag si Marian sa pagkakahirang niya bilang Sexiest Woman.

"Sobrang saya ko!" bulalas ni Marian. "Kasi hindi ko rin ine-expect. Kasi hindi pa ako nagko-cover, ‘tapos naging number one ako. Nakakagulat din at saka doon ko rin lalong nalaman na yung mga fans ko at nagmamahal sa akin, sobrang mahal na mahal ako at wala silang sawa sa pagboto sa akin."

Inamin ni Allan na kahit noong nasa afternoon soaps pa lang ng TAPE Inc. si Marian ay ilang beses na rin silang nag-usap ng manager ng young actress na si Popoy Caritativo kung paano, kailan, at ano ang dapat na isaalang-alang para matuloy ang pagku-cover ni Marian sa FHM. Hanggang ngayon, ongoing pa rin daw ang imbitasyon ng FHM kay Marian na mag-cover kung kailan siya magiging ready.

Ito naman ang naging tugon ni Marian sa imbitasyon ng FHM sa kanya: "Basta sa lahat ng bagay, ready ako. Pero yung pagpo-pose nang sobrang sexy, hindi pa namin napag-uusapan ng manager ko. At saka palagi kong sinasabi, may limitation pa rin. Kung maganda yung concept, bakit hindi? Pero may limitation pa rin.

"At saka, yun nga, may mga contracts akong inaalagaan sa mga commercials ko na hindi puwedeng ganito, hindi puwedeng ganoon. So, kailangan ko pa ring alagaan ang image ko as wholesome pa rin tayo.
"

No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena