Friday, April 11, 2008

PIOLO PASCUAL Meets Someone in Church: "Hanggang Pag-uwi Ko, Pagtulog...Hanggang Ngayon Iniisip Ko Siya."

With Piolo Pascual's career doing very well, wala ba siyang wish na makatagpo ng babaeng kukumpleto't magpapasaya sa kanya?

"Sana soon," napangiti si Piolo. "
Seriously, you know I was in prayer meeting yesterday and I saw someone and she's pretty. Sabi ko, ‘Wow!' She's from our church [Victory Christian Fellowship]."

In-introduce daw sila ng isang common friend nila sa kanilang church and from there, sinimulan nang kilalanin ni Piolo ang background ng babae.

"She's single. Wala siyang showbiz relatives. She's tall and her initials are A.L." Bigla niyang binawi yung huli niyang sinabi, yung initials. Binibiro na pala niya kami sa parteng yun dahil the "A.L." initials stand for Angel Locsin. Pero ayaw niya lang daw talaga ibigay ang buong identity ng babae since she's not from showbiz.

Dagdag pa ni Piolo, hindi nga raw maalis sa isip niya ang babaeng ito na ka-church niya't kakikilala niya lang kahapon.

"Hanggang pag-uwi ko, pagtulog...hanggang ngayon iniisip ko siya."

"Sabi ko dun sa common friend namin, hook us up for at least a dinner so we can get to know each other more. Hindi ko naman agad ipu-pursue na mag-court sa kanya right away. At least, get to know the person first, ‘di ba?"

Ito na kaya ang babaeng hinihintay niya? Ito na kaya ang babaeng papakasalan niya?

"My doors are open. I know naman God is preparing someone best for me, and I believe in destiny. I believe that after so many years... I've waited, I deserve naman someone na talagang para sa akin."

"And I wouldn't wanna...parang, just try it out. Just for the sake of being with someone. Because, you know, I didn't wait this long just to fail. So, in few years time, I'll be able to settle down and have a different life," paliwanag ni Piolo na ang tinutukoy ang ang tuluyan nang paglagay sa tahimik o pag-aasawa.

At kelan naman kaya nya balak mag-asawa.?

"In a few years. Hopefully, before I turn 35. I'm 31 now, so, within four years."

No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena