Friday, November 26, 2010

Willie Revillame Fires Back at ABS-CBN: "Bakit ba kayo galit na galit sa akin? Wala akong ginawang masama sa inyo."


Willie Revillame, former host of the defunct ABS-CBN show "Wowowee" speaks about the new case filed against him, TV5 and his production outfit WilProductions, Inc. by his former TV network ABS-CBN.

The Kapamilya network filed a P127 Million copyright infringement case before the Regional Trial Court of Makati on November 24 (see related story HERE).

In last night's episode of Willing Willie, his new show on TV5, Willie expressed his sadness and said he can't help but wonder why ABS-CBN keeps on filing law suits against him despite his willingness to reconcile with them.

Read below his full statement:

Ang ABS-CBN, idinemanda na naman ako. Nag-file po sila sa Makati naman, pagkatapos ng Quezon City.

"Palagay ko, iikutin nila ang buong Pilipinas para makasuhan lang ako.

"Ganyan po ang nakikita ko diyan. Hindi nila ako titigilan. Kasi po, ang kontrata ko sa kanila, dapat hanggang September 2011.

"E, sabi po nila sa akin, hindi na raw ako gusto ng mga tao.

"Sasabihin ko na po ang totoo, hindi ako nagsasalita...July 31 po, dapat babalik na ako at alam po 'yan ng Panginoong Diyos.

"Nakaharap diyan si Ma'am Charo [Santos], ang presidente ng ABS. Si Direk Bobot Mortiz; ang dati kong manager, si Miss Arlene de Castro; at si Miss Linggit Tan.

"Babalik na po ako ng July 31, ang Wowowee.

"After ng meeting ko with Ma'am Charo, umuwi na po ako ng bahay ko. Kasama ko na po ang staff ng Wowowee at kung ano na po ang plano na ibalik.

"After po niyan, isang linggo, tinawagan po ako ni Miss Linggit Tan, at ang sabi niya, 'Mag-usap tayo.'

"Ang sabi po niya sa akin, 'Nang malaman ng mga tao na babalik ka na, marami ang nag-email. Ayaw kang pabalikin.'

"So, binibigyan ako ng isang araw na show, once a week."

"Ngayon po, nag-file na naman sila. Ang sabi nila ngayon, ginagaya raw namin ang Wowowee.

"Sino po ba ang Wowowee? Sino po ba ang nag-iisip sa Wowowee?

"Pag may problema ang ABS... sa 'Wilyonaryo,' nagkaroon ng technical glitch, ang technical staff ang nagkaproblema, sino ba ang inihaharap nila sa mga tao? Di po ba ako ang humaharap sa inyo?

"Nagkaroon po ng stampede [sa ULTRA ], 71 dead people...

"Sasabihin ko na po... Kinikimkim ko ito, kaya lang, ayaw nila akong tigilan. May respeto pa rin ako sa kanila.

"Sino po ba ang dumadalaw sa burol gabi-gabi? Nagbibigay ng sariling pera? Ako rin po.

"Alam po 'yan ni Ma'am Charo, pero hindi ko ipinagkakalat 'yan.

"Sinasabi ko na po ito lahat para malaman ninyo ang totoo. Kasi po, ayaw nila akong tigilan.

"Hindi naman po ako ang matatalo dito, e, kayo po. Dahil kayo ang binibigyan namin ng saya dito. Meron na po tayong isang buwan.

"Maraming salamat po kay Mr. Manny Pangilinan, ang president of TV5, kay Atty. Rey Espinosa, and of course, Boss Bobby Barreiro," pagbanggit ni Willie sa top executives ng Kapatid network.

"Alam n'yo po, sa Tuesday po (November 30), meron kaming hearing. Pupunta po kami doon, kasama ko ang staff, ang dancers at ang crew namin. Pupunta kami sa Makati. Kung gusto n'yo akong samahan, samahan n'yo ako. Ipaglaban natin ang programang ito. Alas-diyes po 'yon, mga alas-otso, magkita-kita tayo doon. Sa lahat po ng nagmamahal sa programa, ipaglaban natin ito. Kapag na-TRO tayo, hihinto ang programa. Wala nang magbibigay-saya sa inyo.

"Simple lang, pati po ang pagbati ko sa inyo, bawal. Pati ang shot ng camera, bawal. Ginagaya raw namin.

"Bakit ba kayo galit na galit sa akin? Wala akong ginawang masama sa inyo, ABS.

"Ngayon, ang pakiusap po namin, ipagdasal n'yo po kami. Hindi naman po akin ang programang ito, para po sa inyo ito. So, magsama-sama po tayo sa Martes.

"Ako, hindi nahihiya. Pero this time, lumaban na tayo. Iba na po ang purpose nila, ang pahirapan ako. Huwag na akong lumabas, maghirap ako sa buhay."

"Marami po akong pinag-aaral at tinutulungan na tao. Huwag naman ganyan ABS. Nagsilbi naman ako sa inyo. Nirerespeto ko naman kayo.

"Hangga't pumunta ako ng TV5, nagpasalamat ako kina Mr. Gabby Lopez, kay Ma'am Charo.

"Hindi n'yo na ako gusto diyan. Ang sabi n'yo sa akin, kasi wala nang gustong tumanggap sa akin. May isang tahanan na TV5 na tumanggap sa akin.

"Malaki rin naman ang utang na loob ko sa inyo at kumita rin naman kayo sa programang Wowowee. Hindi ako papayag na mahinto ang Willing Willie.

"Kapag nahinto, magso-show kami diyan sa labas. Diyan tayo magsama-sama, kahit walang telebisyon!"

Meanwhile, on his facebook account, Atty. Ray C. Espino, TV5 President, publicly announced his stand on this new case filed by ABS-CBN against TV5 and Willie Revillame. He said, "THE BATTLE FOR WILLIE CONTINUES. NOW COPYRIGHT INFRINGEMENT RAW. HALLER!!! DIDN'T THE SUPREME COURT DECIDE WAY BACK IN 1999 THAT "THE FORMAT OF A SHOW IS NOT COPYRIGHTABLE" AND THAT "COPYRIGHT DOES NOT EXTENT TO THE GENERAL CONCEPT OR FORMAT" OF A SHOW. MORE IMPORTANT, WILLING WILLIE IS VERY DIFFERENT FROM WOWOWEE. IT'S INCREDIBLE THAT EVEN THE SEGMENT OF DJ COKI IS BEING QUESTIONED!!! HOW DESPERATE."



No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena