Ang balita na galit na galit si Annabelle Rama sa SVP for Entertainment TV ng GMA-7 na si Wilma Galvante ang headline sa column ni Alfie Lorenzo sa Abante ngayong araw, February 19.
Isinulat ni Alfie sa kanyang column na nagpupuyos daw sa galit si Annabelle noong Lunes ng gabi, February 16. Kausap ni Annabelle ang mga magulang ng kanyang talent na si JC de Vera dahil nagsumbong diumano ang batang aktor sa ama at ina nito na tinakot daw siya ng lady executive ng GMA-7. Diumano, binantaan ni Ms. Galvante si JC na idedemanda ito kapag lumipat siya sa ABS-CBN.
ANNABELLE RAMA'S SIDE. Nakipagkita si Annabelle kay Alfie Lorenzo noong Lunes ng gabi at naglitanya ng sama ng loob niya laban sa GMA-7 executive. Ito ang eksaktong report ni Alfie sa column niya tungkol sa sinabi ni Annabelle sa kanya:
"Maliwanag ang pakiusap ko kay Wilma Galvante na habang wala pang trabaho si JC pagkatapos ng Lalola ay pagbibigyan ko ang request mo [Alfie] na ipahiram muna si JC sa Nurserye ni Juday at pagkatapos ay babalik siya sa GMA-7 kung pipik-apin nila ang option sa kontrata ni JC pag natapos na ang kontrata niya sa March.
"Maayos naman ang usapan namin. Ewan ko kung hindi naiintindihan ni Wilma ang sabi ko na tatapusin muna ni JC ang kontrata niya sa Siyete hanggang sa Marso. At bago kami pipirma sa renewal ng option kung kukunin pa nila si JC, pakiusap ko pa nga na gagawa muna si JC sa Nurserye ni Juday bilang pagbibigay ko sa iyo [Alfie] as my friend for life.
"Biglang binigyan ng bagong show si JC, pero hindi naman siya ang bida kundi support lang ni Marvin Agustin! Ano ba yun? Apat na linggo siyang nagbida sa Obra, tapos ngayon gagawin ng regular ang Obra, biglang ibinaba ang kategorya ni JC, supporting na lang! Eh, bida siya sa Lalola, ang taas ng ratings nun, tapos susuporta na lang siya kay Marvin Agustin?
"Eh, gusto pa yatang sirain ang career ni JC. Nagbida na, ibabalik sa supporting! Hummphh!!!!"
Argumento naman ni Alfie, "Eh, bakit nga ipinagdadamot ng GMA ang talent na sa kanila dinala in the first place ng manager niyang si Annabelle Rama? Buti sana kung under contract sa Artist Center ng GMA si JC de Vera at hawak nila sa leeg. Eh, hindi naman nga! At ang manager ni JC na si Bisaya ang nagdedesisyon. Bakit nga naman ikinulong sa office ni Ms. Wilma Galvante si JC at pinagalitan at ayon kay Bisaya eh, 'tinakot-takot pa'? Kaya nag-iiyak sa nerbiyos tuloy ang binata! "
Ayon pa kay Alfie, "Gusto rin kasi naming tulungan ang talent ng kaibigan namin. Feeling namin, mas lalaki ang image ni JC kung maipa-partner siya kay Juday. At kapag tumodo na ang liwanag ng status ay mas mapapakinabangan pa siya ng GMA-7."
THE STORY CONFERENCE. Para maging malinaw ang isyu, hiningi ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang panig ni Ms. Wilma sa pamamagitan ni Angel Javier ng Corporate Communications ng GMA-7. Ito ang paliwanag na natanggap namin:
"Last Monday, may story conference po ang new season ng Obra sa 7th floor concept room. Isa sa mga featured stars dito ay si JC de Vera. Conducting the said story conference were Ms. Redgie Magno, Senior Program Manager, and Ms. Lilybeth G. Rasonable, AVP for Drama. Naroroon po ang ibang mga Kapuso talents na gaganap din sa istorya. Nakita ko sina Marvin Agustin, Bianca King, Maxene Magalona na kasama ang mom niya [Pia Magalona].
"Ms. Wilma Galvante did not attend the meeting and was just in her office, adjacent to the concept room.
"After a few minutes, Redgie and Lilybeth entered the office of Ma'am Wilma saying that JC was crying. They said Joseph Boncalan, Obra's EP [executive producer] got a call from Annabelle Rama saying that she was pulling out JC from Obra. Redgie asked JC if he was aware of this. JC said, 'Wala po akong alam.'
"So Redgie said, 'Mukhang hindi mo muna gagawin ang Obra. Mag-usap muna kayo ng manager mo.' This was when JC broke down and told them, 'Hiyang-hiya na po ako sa mga write-up na lumalabas. Nahihiya na nga rin ako kay Ma'am Wilma, gusto ko nga siya na kausapin kaya lang, nahihiya ako.'
"This was when they asked JC to go to Ma'am Wilma's office so the other people will not hear nor see him crying."
WILMA GALVANTE'S SIDE. Nagbigay rin ng kanyang pahayag si Ms. Wilma kung ano ang pinag-usapan nila ni JC sa loob ng kanyang opisina.
"We talked only for a few minutes. I asked him how he was and he said he was sorry for everything that is happening. Hindi raw niya gustong umalis sa GMA at masaya siya dito, pero hindi niya alam ang mga plano sa kanya ng manager niya at natatakot siya.
"I told him that we cannot interfere with his contract with his manager but what we can do is implement our contract with him. And that he will always have a place in this network. When I said that, he started to cry again.
"That's when I got a text message from Annabelle. Di ko na sasabihin ang laman ng text kasi puros pambabastos lang at pagmumura. Di talaga maganda. JC said he also received a text message just then. And then he cried again.
"Apparently, may kasamang alalay si JC na naiwan sa labas. Siya ang kumausap kay Annabelle sa phone at sinabing pinasok ni Redgie at Lilybeth si JC sa office ko. Kasalukuyang nasa labas din si Kuya Germs [German Moreno] kaya naririnig niya ang mga nangyayari.
"Malinaw na walang nangyaring pananakot kay JC. He was very much aware that the story conference was for Obra and he was not forced nor coerced to come here. Alam din ng manager ni JC na may meeting siya at may kasama pa nga siya na alalay niya.
"I was informed na ang reason kung bakit pinu-pull out ni Annabelle si JC sa Obra ay dahil sasapawan daw ng acting ni Marvin at bakit daw may show na naman si Bianca King? Si Marvin at si Bianca ay parehong GMA exclusive talents kaya may obligasyon ang network na bigyan sila ng mga programa. Higit sa lahat, bagay na bagay sa kanila ang roles na gagampanan nila sa Obra."
Dagdag ni Angel, "Ma'am Wilma also said that she and Ms. Annabelle Rama never discussed about lending JC to Nurserye and that she only knew of this through Tito Alfie's column today.
"Furthermore, the network has sent a letter to JC which he received and signed last January 2009 wherein the network expressed renewal of his contract until March 2010 based on item 4.5 of his original contract that says TALENT grants to GMA the exclusive and irrevocable option to renew this Contract for a period of one (1) year under the same terms and conditions. The agreement is deemed renewed upon the service by GMA of a written notice of renewal to the Talent prior to the expiration of this contract.
"Ms. Annabelle Rama was also sent a copy of said letter."
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Annabelle at Ms. Wilma. August of last year ay itinuro ni Annabelle si Ms. Wilma na may kagagawan sa pagkakasabay ng first-day showing ng pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion na For The First Time sa concert nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Araneta Coliseum.
Nagkaayos ang dalawa last December nang magkita sila sa U.S.
Source: Jojo Gabinete, PEP

No comments:
Post a Comment