Todo bigay si Bayani Agbayani sa kanyang bagong recording album under Sony Music Philippines.
"Halos one year in the making ito at talaga namang espesyal ito sa akin dahil ibang level ang pag-aalaga sa akin ng Sony Music," sabi ni Bayani na hindi makapaniwalang kasama niya sa Sony roster of artists sina Sharon Cuneta, Lea Salonga, Ely Buendia, Ariel Rivera at ang kaibigan niyang si Cesar Montano.
Novelty pa rin ang tema ng album ni Bayani--pero novelty na may sinasabi--dahil maganda ang mensahe ng mga kanta na nakakatuwa at madaling sabayan.
Kasama sa album ni Bayani ang tatlong original na kanta na "Todo Bigay," "Buti Pa Ang Pera," at "Ayaw Sa Akin." Meron ding isang Christmas song na "Silent Night Na Naman." Pero naging mas espesyal ang album dahil sa duet nina Bayani at ang kaibigan niyang komedyante na si Eugene Domingo na first time nag-record ng kanta. Ito ay ang "FM Ka, AM Ako" na isinulat ni Rey Valera (na dating duet nila ni Sharon Cuneta) at ito ang tribute nila sa mga radio DJs na malaki ang naitutulong sa music industry.
Dahil sa bagong album ni Bayani, magiging napaka-visible niya sa mga television shows sa pagpo-promote nito sa mga PAGCOR branches tulad ng sa Cebu on December 18. Sa January, expect Bayani to hit the malls para sa show at album signing.
"At least, may panregalo na akong bagong music ko ngayong Pasko," ani Bayani. "Sobrang na-miss ko rin talaga ang recording! Sana suportahan nila itong bagong album ko."

No comments:
Post a Comment