Saturday, June 6, 2009

Angel Locsin is Elsa in "Himala" Remake

Kapamilya actress Angel Locsin received a positive feedback in her performance as Elsa, the lead character in Ishmael Bernal's award-winning classic film Himala, during the book launching of great scriptwriter Ricky Lee's Si Tatang at mga Himala ng Ating Panahon.

Reports have it that Ricky Lee is set to do a remake of the film and Angel Locsin was chosen to play the lead role originally played by Philippines' Superstar Nora Aunor.

During the scriptwriter's interview in radio program Wow! Ang Showbiz! on DWIZ, Lee shed light on this news saying, "Ang pinaka-highlight nung book launching yung Himala. At yung highlight naman nung Himala yung speech ni Guy, ni Nora, do'n sa ending ng Himala. So, alam ko na dapat may gano'ng excerpt. Nag-iisip kami kung sino kaya ang babagay sa panahong ngayon? Wala naman si Guy. So, sino ang makakagawa?

"Si Angel, nakatrabaho ko na sa Lobo at ngayon sa Only You, alam ko na sincere na tao. Mukhang si Angel. So, nilapitan namin si Angel through Rory Quintos, yung director niya, pinakiusapan namin. Excited daw siya and honored, so tinanggap niya agad yung offer, yung alok namin...nang walang bayad. And sinabi niya na medyo darating lang siya nang late sa program, sa may last part na, kasi may panggagalingan siyang show. So, okey lang 'yon.

"But later, nung makausap ko na siya, nung umaga nung launch, sinabi niya na, 'Kinakabahan ako, Kuya Ricky, kasi Ate Guy na 'yan, iba na 'yan. At saka kabisado ng lahat yung mga lines niyan sa lahat ng lugar. Baka kung ano ang sabihin nila sa gagawin ko.' Sabi ko, 'Ang gawin mo, galing lang sa puso mo at sincere na gawin mo sa sarili mong paraan, okey na 'yan.

"Kinakabahan pa rin siya. Kaya I think na kinansela niya yung previous show niya. Kaya instead na dumating siya sa last ng program, dumating siya long before nag-start yung program para makapag-rehearse. Para mabigyan siya ng guidelines ni Direk Eric Reyes, yung direktor nung show.

So how did the news came about?

"After nung launch nang nag-o-autograph ako, then after nung pag-autograph, may naglalapitan na nagsasabing, 'Tito Ricky, mukhang magandang i-remake ang Himala. At mukhang bagay si Angel.' Do'n lang nila na-realize na, 'Oo nga, 'no? Bagay si Angel.' Kasi, nilapitan ng mga Noranians si Angel before the show nung nagre-rehearse siya, nakiusap sa akin yung ilang Noranians na, 'Puwede po ba naming makausap si Angel?' Sabi ko, sige. Then kinausap nila. Sinabi nila, 'Nagpapasalamat po kami sa 'yo, Angel, na gagawin n'yo 'to, itong ginawa ni Guy. Honored po kami na gawin n'yo 'to para sa Himala, para kay Guy.'

"To be honest, nung una, hindi ako nag-iisip na kung sino ang babagay. Ayokong pag-isipan at hindi ko pinag-iisipan. Ang lagi kong binabalak, gumawa ng sequel ng Himala. Kumbaga, years and years later, makalipas ang maraming taon, tahimik nang nabubuhay si Elsa, buhay pala siya, hindi namatay, si Nora Aunor pa rin that time ang gusto kong gumanap. Nagkaanak na siya, yung product nung rape, malaki na, bulag na anak. Tahimik nang namumuhay ang mag-ina until bumalik na naman ang himala. Yun ang original kong plano sa sequel.

"Pero nang nangyari 'to ngayon, bigla kong naisip, kahit dito sa launch, at maraming lumapit sa akin na mga kaibigan at hindi ko gaanong kakilala na nagsabing maganda palang i-remake. May mga gano'n, ngayon ko lang naisip na, oo nga pala, puwede siyang i-remake. Kasi lahat ng sinasabi niya sa pelikula, nangyayari pa rin ngayon.

"Yung sex video na ginawa nung filmmaker na nakunan niya si Elsa na nire-rape. At yung prostitusyon, yung pagpatayan, yung paghihirap at yung need for a miracle na mangyari at yung hirap ng tao... So, naisip kong gano'n. Then napag-isipan ko yung mga sinabi ng mga nagpunta sa launch. Then ako din, bakit ko pinili si Angel? 'Teka, bagay nga yata si Angel pala.' Kasi, masang-masa at taong-tao ang dating saka sinsero. Yun ang pinakaimportante, e, yung sincere.

"At kilala ko si Angel, although sincere at humble siyang tao, open din siya na gumanap nang mahirap at adventurous at challenging na bagay. May gano'n siya na open siyang natsa-challenge. Gusto niyang naggo-grow, e. Kilala ko siya na gano'n, e.

"Sa ngayon, okey sa akin si Angel."

Watch Angel Locsin doing Elsa's famous line in the movie Himala:



And watch the original scene by Superstar Aunor Aunor HERE (Part 1) and HERE (Part2):

No comments:

Post a Comment

Mildred Patricia Baena